Kasabay ng ika-116 na Pagdiriwang ng Labor Day na may temang "Pagpupugay sa Manggagawang Pilipino: Dangal ng Lahi at Kabalikat nilagdaan ngayong araw ni Pangulong Duterte ang Executive Order na kontra sa ilegal na kontraktuwalisasyon.
Isa umano sa prohibisyon ng nasabing EO ay tumatalakay sa proteksiyon ng mga manggagawang Pilipino laban sa tinatawag na "illegal contacting at sub-contracting", at ang kanilang karapatan sa "security of tenure".
Bagama't sinabi rin ng Pangulo na isa lamang ang nabanggit na EO na kanyang pinirmahan upang maibsan ang matagal nang idinaraing ng mga manggagawang mamamayan, may babala naman siya sa mga lalabag dito.
"I can only implement but if thre are things that need to be corrected, modified to suit the needs or the demand of time, we have to ammend or correct or recommend revision or revisit the laws,"saad ni Duterte.
"I also directed DOLE to submit to my office a list of all companies engaged in, or suspected to be engaged in labor-only contracting,"dagdag pa ng Pangulo.
"To all non-compliant and abusive employers under so-called "cabo", who are engaged in labor contracting, your days are numbered. I have warned you before, and I am warning you again. Stop ENDO and illegal contractualization. I will see to it that our laws are strictly enforced. The Government will not rest until we end this shameful labor practice,"ayon pa kay Duterte.
No comments:
Post a Comment